Unang una, ito'y nakakatulong sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil base sa serbey, mataas ang drop-out rate ng estudyante sa termino ni Pangulong Arroyo nang ipasa niya ang Executive Order 210 (Establishing the policy to strengthen the Use of English Language in the Education System). Ito ay dahil pinipilit nilang ituro sa mga estudyante ang wikang dayuhan na hindi naman kabisado ng lahat at mahirap maunawaan. Nakakatulong rin ang wikang Filipino na baguhin ang mababang tingin ng mga tao dito dahil ang ating wika ang nagsisilbing kapangyarihan at puwersa natin upang magkaroon ng kamalayan sa ating lipunan at para maging mas maliwanag landas na ating tatahakin.
Habang unti-unti nang tinatangkilik ng mga Pilipino ang sarili nating wika, umuunlad ang pagkakaroon natin sariling identidad at karunungan. Dahil dito nagiging matatag ang samahan natin sa ating kapwa at ito'y makakatulong upang patuloy na umunlad ang ating bansa.
- Keith, Samantha D. (11-ABM-B)


Image result for filipino clipart

Comments